Alay Sa Matalik Kong Kaibigan

Express yourself. Convey your thoughts.

Moderators: kampanaryo_spy, cordapya, pato

Post Reply
User avatar
Alone
Occasional Member
Occasional Member
Posts: 28
Joined: Sat Jun 09, 2007 3:47 am
Location: Somewhere..

Alay Sa Matalik Kong Kaibigan

Unread post by Alone »

Para kang robot kung magsalita. Sundalo kung maglakad, Kulang na lang, may hawak kang rifle. O kaya parang manequin. Walang emosyon kasi ang mukha mo. In short, tuod.

At naisip ko ang isa sa mga pinakamalaking tanong sa buhay ko ngayon: Ano kaya kung kilitiin kita bigla? Magrereact ka ba?

Simula noon, naging challenge na sa buhay ko ang patawanin ka. Balang araw, di ka makakahinga sa kakatawa. Balang araw, iiyak ka sa tawa dahil sa mga jokes ko.

Bawat araw, iniisip ko pa rin kung ano ang pwedeng mangyari kapag kiniliti nga kita bigla. At marami pa akong tanong. Ano kaya ang iniisip mo lagi? Ano kaya ang paborito mong kanta? Ano kaya ang pinapanuod mo sa tv? Nanunuod ka ba naman ng tv?

Hindi ka lang kasi tuod. Nerd ka pa. Bukod sa para ka na ngang robot kung magsalita, mukha ka na ring scientist na nanalo ng Nobel Prize. Ikaw yung tipong libro lang ang kaharap buong araw. Math lang ang laman sa utak hanggang sa panaginip. Paborito ka nga ng mga prof kasi nga ang talino mo. Paborito ka rin ng mga kaklase natin kasi nakikinabang sila sayo.

Lagi naman kitang inookray. Kung pumorma ka kasi, para kang apo ni Einstein. Ang medias mo, kulay puti. Gusto ko kasi kulay black, at yung may garter? Pati hairstyle mo baduy. Backpack mo baduy. Ano pa bang baduy sa yo? Ano pang pwedeng iokray?

Kung magsalita ako, akala mo naman napakagaling kong tao. E ni hindi ko nga maipasa-pasa ang mga exams na napeperfect mo e. Di ko binabasa ang mga librong pinagaaralan mo. Di ko rin minsan ma-gets ang mga tanong mo sa mga prof, at tanging mga prof lang ang nakakaintindi sayo. At ang mga oras na iginugugol mo sa pagaaral, ay ang mga oras na inaaksaya ko lang sa tambayan.

Alam mo, nakita na rin naman kitang tumawa e. Humirit kasi yung prof natin. Tuwang-tuwa naman ang buong klase. Lumiwanag nga ang mukha mo nun e. Pakiramdam ko, sa wakas, nagstretch lahat ng muscles sa mukha mo.

At naisip ko, sana, balang araw, kasama na kita sa pagtawa..

***
Written in 1999
"Somethings are not meant to last. Let us leave it that way. Its better that we move on and continue our lives."

User avatar
Wena
Neophyte
Neophyte
Posts: 9
Joined: Sat Jun 16, 2007 4:52 am
Location: I travel alot..

Unread post by Wena »

Your still good in tagalog!
good thing you have not forgoten it.

Post Reply